Saturday, November 28, 2015

LUBID

PIN ME. TIGHTLY.FIRMLY. and I WONT LET GO.

Paano ba ang tama?
Ano ba ang mali?
Alam mo ba ang sigurado?
o sa baka ka nagsusumamo?

Paano kung sa tama merong mali?
Ano naman ang mali kung sa sigurado ay hindi?
Aalamin ang baka nagbabasakaling maging oo
O nagsusumamo sa taong di naman totoo.

Paano kakapit sa tama?
Ano naman ang kakapitan sa mali?
kung di mo alam ang lubid ng sigurado
kakapit ka ba sa baka kung alam mo namang hindi?

Paano kung di mo kayang bumitaw?
Malalaman mo ba ang ano, 
kung kinakapitan mo ay hikaw?
Sigurado ka bang kaya mo pang gawin ang paano?
kung mali ang naka anino sayo?

Paano mo malalaman na kaya mo pang kumapit
Kung alam mo namang kaya na niyang bitawan ang lubid?
kakayanin mo pa bang alamin ang baka
kung sigurado namay meron na siyang iba?

Pinipilit ginagawa ang paano
pilit inaalam ang ano
pilit hinahap kung ano ang sigurado
pero di niya alam paano gawin ang baka ng oo.




MINSAN, MAS MAGANDANG BUMITAW NALANG. KEYSA SA KAPIT KA NG KAPIT KAHIT ALAM MONG MAS LUMALALIM NA PALA ANG SAKIT.

WALA NAMANG MALI SA KUMAPIT. BASTA'T SIGURADUHIN MO LANG NA MERON KAPANG KAKAPITAN NA ALAM MONG MAY PAG-ASA PANG DI KA BIBITAWAN

Friday, November 27, 2015

Gusto ko.



SAGISAG

Isang taong kayang ipaglaban
ang dapat sa bayan at labanan ang dayuhan
walang maraming pangako na naka pako
kundi aksyon lang para sa mamamayan ang inaako.
Hindi dahil sa marami na siyang nagawa
O di kayay mga kayamanang kanyang nalikha
Ang kailan ko ay isang taong tapat at kayang sumugal
Hindi yung nakaupo lang sa kanyang lamesa at nagdarasal
Hindi dahil di siya sa pilipinas isinilang,
o di kayay kapayapaan sa kanyang lalawigan
O patubig sa buong kapuluan
At higit sa lahat hindi sa libreng cake sa mga
senior citizen ang pinaglalaban.
Ayoko lang yung taong magaling sa pick-up lines
O kayay mula sa angkan ng pamilyang magalang
Ayoko yung taong sasabak sa labanan dahil siyay napipilitan
gusto ko yung matapang at may paninindigan
Hindi ko man alam kung sino ang mananalo
Nakakainis lang at nakakapanghinayang,
dahil akoy hindi pa makaboto
Kaya kayo'y pumili ng pinunong sigurado
Nakarapatdapat ng inyong mahiwagang boto.
Hindi sa mga pulitiko nakasalalay ang bayan,
kundi sa atin,tayo,ikaw at ako tayong mamayan ng mundo
ang may alam kung ano ang tama at sigurado
Wag mong sabihin na ikay nabayaran
dahil di yan sapat na bayad sa kanilang
pamamahala sa ating lipunan.




Di pa tayo MALAYA. Tayo lang ay tumitira sa ILUSYON ng KALAYAAN. 

Thursday, November 26, 2015

NAIS KO SANA


Di ko alam kung bakit
Di ko alam kung paano
Di ko alam kung kailan
Di ko alam kung saan

Akoy lalapit na sana sa tinatawag kong mahal
Biglang napahinto sa dahilang di ko alam
Sasabihin ko sana ang mga katagang
Mahal, pwede bang hingin ang iyong pangalan?

Gusto ko sana ikay tabihan
dahil ikay nagiisa at para bang naaalinlangan
Lalapit na sana ako sayo
Pero bigla nalang napahinto ang mga paa ko

Nais ko, nais ko ang makausap ka ng totoo
Ayokong hanggang tingin na lamang sayo
At ang mga salitang gusto kong sabihin na alay lamang sayo
ay naipapaubaya ko nalang sa hangin dahil sa akoy torpeng tao.

Nais ko sana iyong marinig ang tinig
ng aking puso ang pangalan mo ang sinsampit
Ang mga ngiti mong kay tamis
Nais ko sana ako sayoy makalapit.

Kundiman makarating itong tula para sayo,
Sana naman maramdaman mo ang lihim ko
Lihim na pagtingin na di ko kailan man makakayang ipagtapat,
Makita kalang o aking sinta, ikaw lang ay sapat na.


NAIS KO SANA... hindi man ito ang huli,
sisimulan ko ang pag-ibig kong ganti.



Friday, November 20, 2015

Hulaan mo kung ano. HULAAN MO!



Hulaan mo kung bakit ang bulalak nandito.

Hulaan mo kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi ko.
Hulaan mo kung bakit ko sinabi ang mga salitang ito
Hulaan mo kung bakit ko rin sinulat ang tulang ito
Hulaan mo kung bakit ikaw ang dahilan nito. HULAAN MO.

Sa bawat paghinga, sa bawat araw na nakikita kita,
hulaan mo kung bakit ako lumiligaya.
Sa bawat kulay ng mga bulaklak, at sa huni ng mga ibong dilag
hulaan mo kung bakit naaalala kita. HULAAN MO.

Hulaan mo kung bakit ang puti at itim ay magkapares
Ang langit at lupa ay pawang magkalayo pero pilit nilalapit
Bobo ba kung tawagin sina Romeo at Juliet dahil sarili ay pinaslang?
 O di kaya'y ang pag-ibig ay isang bagay na sakim at mapaglinlang?

Sa paggalaw ko ng aking mga kamay,
ang hangin sa akiy dumadamlay
Hulaan mo kung bakit ako napapangiti
Gayong puso koy iyong pinipintik.

Di nga ako makagalaw sa tuwing lumalapit ka
Pautal-utal akong magsalita sa tuwing umaawit ka
hulaan mo kung ano ang dahilan ng aking buhay
Sakim man kung tawagin ang pag-ibig na siyang ating tulay.

HULAAN MO kung bagit ganito 
Mga pangungusap na alay ko sayo
Di ko alam kung bakit ako hindi nauumay sayo
Kung ikaw ang dahilan ng tulang ito,
HULAAN MO kung ano ang pamagat nito.
Hulaan mo kung bakit may mga linyang di para sayo
Pero inaalay ko para maunawaan mo
Kung ano ang ibig sabihin ng salitang HULAAN MO.

Friday, November 13, 2015

MASAYA



Naalala ko nung araw nakita ko siya.
Yung ngiti niya abot hanggang tenga.
Pati mata niya ay parang kay saya.
At yung buhok niya humahawi sa ganda.

Sa bawat hakbang ng kanyang mga paa,
Ligaya ng kanyang pusoy inaabangan ko na
Ang kamay niyang hinahawi sa hangin
Para siyang anghel sa may hardin ng waling-waling.

MASAYA nakikita na kita.
Yung presensya mo nararamdaman ko na.
Sa bawat ihip ng hangin na dumadampi saking mukha
Nararamdaman ko. Nararamdaman ko na malapit ka na.

Pero MASAYA may mali eh.
Maling-mali na ngumiti ng nag-iisa
Dahil para akong isang baliw na tumatawa
At isang tuliro na di alam ang gagawin sa tuwina.

MASAYA hanggang dito lang ba ako?
Yung mga ngiting nagagawa ko sa araw na nakikita ko siya
Ay isang lihim na matagal ko ng gustong sabihin sa kanya
Na siya! Siyang ang dahilan ng aking kasiyahan. at wala ng IBA!

MASAYA. Maysasabihin ako.
Pasensya na, kung ikaw ay ginamit ko.
Na sa bawat kaligayahan ng buhay ko
Ikaw. Ikaw ang nakaukit sa mukha ko.

MALUNGKOT oo malungkot.
Eto ang pakiramdaman kapag wala ka MASAYA
katulad ng mahal ko pagdiko siya nakikita
Ayoko ng ganito. Ayoko

Kaya MASAYA pasensya kana.
Kaya lang kita naaalala kapag nakita ko na ang aking sinta
Pero pagmalungkot ako nakakalimutan na kita
Kaya pasensya kana MASAYA. Pasensya.

Sunday, November 8, 2015

MAHAL, MASAKTAN


Tinali kita sa mga daliri ko.
Hinakawan, para di ka mawala sa tabi ko.
Pero akala ko magtatagal ka.
Yun pala panandalian ka lang pala.

Kahit na mahigpit na ang pagkapit ko sayo.
Kahit na bawat oras ikaw ang kayakap ko
Kahit na sa pagtulog ikaw ang katabi ko
Pero hindi, dahil bumitiw ka at iniwan ako.

Sa pag-ihip ng hangin, sa araw na madilim,
dumampi ang mga patak ng ulap na makulilim.
At siya ring oras nabumitaw ka sa akin 
Ako namay nabigla na para bang may isang delubyong dumating.

Unti-unting nawala ka sa aking paningin
Hanggang sa parang tuldok ka nalang sa ulap na madilim
Alam ko naman na di ka talaga magtatagal sa tabi ko
pero sana naman nagpaalam ka sa pag-alis mo.

Di ko alam kung nasaan kana
Kung ok ka pa ba, o ikaw bay nagdurusa
Yung sulat na tinali ko sayo sa mga bisig mo
wag mong bibitawan dahil yun nalang ang alaalang meron tayo.



Mahal kita LOBO ko. sobrang MAHAL ka noong ikay binili ko.
Pero ano, kahit ba naman tayo, WALANG FOREVER?

Sunday, November 1, 2015

KANDILA



Sa dilim ng damdamin
Lumiwanag ang salamin
Pulang ilaw na sumasayaw
Sa hangin na gumagalaw

Usok nitoy itim
Amoy ng pighatit sakim
Sa pag-ibig na sinungaling
Nakulong siya sa nararamdamang di niya maamin

Ang kanyang puso ay unti-unting natutunaw
Unti-unting nawawala ang pula nitong ilaw
dumidilim lalo ang kanyang larawan
Sa salamin, sarili niyay di na madungaw.

Usok nitoy lalong umiitim
At umiiba na rin ang amoy ng hangin
Ang kumikirot niyang damdamin
Napalitan ng luhang galing sa mga matang nagdidilim.



MEH!