Sunday, November 8, 2015

MAHAL, MASAKTAN


Tinali kita sa mga daliri ko.
Hinakawan, para di ka mawala sa tabi ko.
Pero akala ko magtatagal ka.
Yun pala panandalian ka lang pala.

Kahit na mahigpit na ang pagkapit ko sayo.
Kahit na bawat oras ikaw ang kayakap ko
Kahit na sa pagtulog ikaw ang katabi ko
Pero hindi, dahil bumitiw ka at iniwan ako.

Sa pag-ihip ng hangin, sa araw na madilim,
dumampi ang mga patak ng ulap na makulilim.
At siya ring oras nabumitaw ka sa akin 
Ako namay nabigla na para bang may isang delubyong dumating.

Unti-unting nawala ka sa aking paningin
Hanggang sa parang tuldok ka nalang sa ulap na madilim
Alam ko naman na di ka talaga magtatagal sa tabi ko
pero sana naman nagpaalam ka sa pag-alis mo.

Di ko alam kung nasaan kana
Kung ok ka pa ba, o ikaw bay nagdurusa
Yung sulat na tinali ko sayo sa mga bisig mo
wag mong bibitawan dahil yun nalang ang alaalang meron tayo.



Mahal kita LOBO ko. sobrang MAHAL ka noong ikay binili ko.
Pero ano, kahit ba naman tayo, WALANG FOREVER?

No comments:

Post a Comment