Tuesday, October 27, 2015

Kusa ko itong naramdaman.




Pinilit kong wag subukan
ang yakapin ka ng mahigpit
Ang iyong kamay na matagal ko nang gustong hawakan
hangad ko ay init ng iyong bisig.

Tuwang diko mapigilan
Unang sayaw natin na walang humahadlang
Walang taong pumipigil kundi tayo lang
Ang makakaunawa ng ating nararamdaman

Sabi man ng iba na itoy wala lang
Para bang laro na maya't-maya matatapos lang
Isang bagay na pagkatapos gamitin ay isasantabi lang
Pero hindi, dahil ito ay isang pangyayari na diko kailanman kalilimutan.

Ito na ang simula ng ating TAMANG PANAHON
Matagal ko ring hinintay ang ganitong pagkakataon
Wala ng bagay ang sa atiy magpapahiwalay
Dahil ito na ang simula ng bago nating buhay.

Hindi ko man maipapangako na hindi ka sasaktan
Pero wala sa isip ko na ikaw ay iwan
Dahil ikaw ang dahilan ng mga bagay na matagal ko ng inaasam
Kung pwedeng tayong dalawa nalang, ito na ata ang simula ng ating WALANG HANGGAN. 

No comments:

Post a Comment