Tuesday, October 27, 2015

MAPAGBIRO

           

Unang nasilayan ang iyong ganda
ngiti moy abot hanggang tenga
ang kumikinang mong mata
dahilan kung bakit akoy lumigaya.

di mabahiran ang tuwang dulot ng iyong mga salita
mga kilos at galaw mo, akoy namamangha
Magkalayo man ang mundong ating ginagalawan
pero pintig ng ating mga puso kusa nating nararamdaman.

Pilit ko mang itago
Gustuhin ko mang lumayo
Marami mang pagsubok dumating upang tayoy magtagpo
kakayanin ko para sayo
kahit buhay ilalaan ko
Dahil sa tamang panahon ikaw rin at ako.

Ilang beses man akong pinigilan
ilang beses pinagpilitan
na mapunta sa taong di ko naman kailangan
Upang sa iyoy malayo na ng lubusan

Maraming bagay man ang sa atiy humarang 
Pero tayo parin ang pinagtapo, ito ata ang ating kapalaran
Sa tamang panahon tayo ipinagkita
Pagkat yun ang nakasulat sa ating tadhana

Para bang unang beses pa tayo nagkita
Ngiting gumuguhit sa ating labi
Di ko maintindihan ang pintig ng aking pusong nagsasabi
Ikaw na ang biyayang sa akiy ibinahagi ng maykapal
Dahil ikaw ang sagot sa aking dasal. 



Ngayon tayoy magkalapit wala ng distansyang nakaharang
tanging mga mata nalang natin ang siyang pagitan
Nais kong hawakan ang iyong kamay
Gusto kitang yakapin ng walang humpay
wala na tayong oras na hinihintay
dahil ito na ang pinakamasayang araw ng ating buhay.

Di na kailangan ng ballpen at papel
Upang isulat ang ating pagmamahalan
Sa bawat salita na ating binibigkas mas lalo kong nararamdaman
Ang lambing ng iyong boses na matagal ko ng gustong pakinggan.

Kung may hamon pang ibibigay aking gagawin
Kung may pagsubok pang nakalaan aking kakayanin
walang bagay na akong aatrasan
dahil sa pag-ibig kong ito tanging ikaw lang ang dahilan.


No comments:

Post a Comment